(Translated by Rev. Rolando G. Comon, a.k.a. Apu Adman Aghama, Ordained Pagan Clergy in the Philippines, Chief Priest/ Founder, Luntiang Aghama Natural Divine Arts Shrine of Healing Inc., President, National Community of Filipino Pagans)
Sino Kami
Ang Paganismo ay pamilya ng spiritual na landas na naguugat sa sinaunang relihiyon mula sa lahat ng panig ng mundo na mas nauna pa sa mga naitalang ulat ng kasaysayan.
Tulad ng pagpapaliwanag ng PAGAN FEDERATION, ang Paganismo ay kinabibilangan ng Polytheistic (Paniniwala sa Maraming Dios) at Pantheistic (Paniniwala na ang lahat ng Dios ay iisa) na relihiyon na sumasamba sa kalikasan, at kadalasan ay kinabibilangan ng mga Diwata (Deity) ng parehong kasarian, pamimitagan at pagpaparangal sa mga ninuno, at pagdiriwang sa mga indayog ng Kalikasan at ng Inang Lupa (Earth). Ang kabuuang talakayan sa mga iba’t ibang uri ng Paganismo ay hindi naabot sa sakop ng kapahayagang ito, ngunit tayo bilang taga-lagda nito, pinapahalagahan natin ang buhay at ang kalikasan ng sanlibutan bilang sagrado. Kaya ang Kaisipang Pagano ay inaakay tayo upang mabuhay sa pakikipagkaisa sa indayog at saliw ng ating DakilangDaigdig.
Sagrado ang Kalikasan
Kinikilala, tinatangap at niyayakap natin ang kabanalan ng kalikasan, bagaman ang ating indibidwal na ugnayan sa kalikasan ay iba’t iba. Kinikilala natin na saklaw ng Kalikasan ang sangkatauhan at ang planeta, at tayo ay hindi higit o angat at hiwalay sa kalahatan ng kalikasan. Kinikilala natin ang sinaunang karunungan na ang pagkamalapit sa kalikasan ay magiging dahilan sa upang maging malapit ang sangkatauhan sa isa’t isa at sa lahat ng mga buhay na nilalang; at kung tayo ay mamuhay na tila tayo ay hiwalay sa kalikasan, ating pinaliliit o binabawasan ang atingkahabagan sa sarili at sa ating kapwa. Smakatwid, ating pinagtitibay ang pangangailangan sa pagpapanatili ng buhay bilang kabahagi n gating kalikasan.
Tayo ay bahagi sa Sapot ng Buhay
Sa mga nakaraang dekada, maraming kontemporaryong Paganong tradisyon sa relihiyon na binigyang diin at pagpapahalaga ang pagkakaugnay-ugnay ng sangkatauhan sa ibang bahagi ng natural na mundo. Marami sa ating mga ninuno ang natanto kung ano ang itinataguyod ngayon ng maka Agham na pamamaraan (scientific method) at sa pagpapalawig ng ating kaalaman sa sansinukuban- na ang Biosphere ng Mundo ay maaaring maintindihan bilang nagiisang Ecosystem at ang lahat ng buhay sa mundo ay magkakaugnay.
Na ang Atom kung san tayo ay binubuo ay inuugnay tayo sa buong sansinukuban. Ang ating hydrogen kung saan ay nagawa mula sa Big Bang, at ang ibang Atoms na mahalaga sa buhay ay hinubog mula sa nakapapasong hurnuhan ng sinaunang mga tala. Higit pa sa mga Atoms, ang molecules ng buhay na umuugnay sa atin sa Mundo, na nagpapakita na hindi tayo nakatira sa Mundo tulad ng ilang mga dayuhang bisita, ngunit sa halip tayo a bahagi ng Mundo, tulad ng Bulkan o Ilog ay bahagi ng mundo at ng pag-ikot nito.
Tayo ay ang Lupa, na ang ating katawan ay may kalakip na Carbo, Nitrogen at Phosphorus, at sa susunod ay mailalakip naman sa mga kabundukan. Tayo ay ang Hangin, na nagbigigay ng pagkain sa mga puno, halaman at mga damo kung tayo ay bumubuga, at ating nilalanghap ang libre nilang handog na Oxygen sa ating bawat paghinga. Tayo ay ang Apoy, ang nagliliyab na lakas ng araw, na nakuha at ibinigay sa atin sa pamamagitan ng mga halaman. Tayo ay Tubig, kasama ng karagatang dumadaloy sa ating mga ugat and at parehong tubig na sya ring kumandili sa mga Dinosaurs sa loob n gating mga selula (cells).
Tayo ay nakaugnay sa ating mga Pamilya, sa pamamagitan ng pagibig, sa ating mga kamaganak, at sa buong sankatauhan. Ang ating Family Tree ay nag-ugat buhat pa noong bago pa tayo maging tao, kasama ang lahat ng mga mammals, lahat ng hayop, at lahat ng may Buhay sa Mundo. Ang buong mundo ang syang kapahayagan ngwalang maliw na kasiyahan sa pagsasama-sama nating Pamilya- ang Pamilya na Kaisa sa buong Sansinukuban.
Nadarama natin ang kaugnayang ito sa spiritual na pamamaraan. Ang sapot ng buhay kasama ang mga pagusad na humahatak sa ating puso, ay sumisikot sa pamamagitan ng ating mahalagang likas na katangian, na humahabi sa ating kabuuang spiritual. Bilang bahagi ng kabuuan ng buhay sa mundo, pinapahalagahan natin ang kalusugan ng bawat bahagi ng katawan. Maraming gawain ang mga tao na sumisira sa bahagi ng katawan, at tinatakwil natin ang mga ganung gawain. Ang pagputol sa mga Puno sa kagubatan ay di kaiba sa pagputo sa masiglang binti o braso. Sa katunayan, ang mga ito ay mas higit pang mahalaga kaysa sa ating mga braso at mga binti , dahil ang mga kagubatan ay bahagi ng ating planetary lungs. Katulad nito, pinapahalagahan namin ang tungkol sa aming mga tubig , ang ating lupa , ang aming hangin, at ang aming iba’t iba Biosphere. Ginagawa natin ito bilang paggalang para sa ating mga ninuno , para sa pangangalaga sa mga nabubuhay ngayon, at para sa pag-ibig sa hinaharap na henerasyon. Anumang bagay na nakakapinsala sa katawan ng buhay sa mundo, ito man ay Global Warming, Polusyon, at sa panganib na pagkalipol, ito ay kinikilala natin bilang Spiritual at moral na suliranin.
Tayo ay bahagi ng mundo, at ang Mundo ay bahagi natin.
Paano natin sinisira ang Ecosystem
Ang mga kilos ng sankatauhan ay radikal na binabago ang sapot ng buhay na kung saan tayo ay bahagi, kung saan ay banta sa maraming uri ng buhay, kabilang dito ang mga homo sapiens. Ang pinsalang ito ay makikita sa iba’t-ibang anyo. Ang pagkawala ng mga natural na tahanan ay nagpapatuloy sa pagtaas ating pagkonsumo. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay halos sinisira ang halos 150 libong kilometro kwadrado lupain bawat taon, na ang sukat ng bansang Hapon- ay katumbay ng 24 na palaruan ng football bawat minuto.
Ang Global Warming na sanhi ng ating pagbuga ng Greenhouse Gases ay nagdulot sa mabilisang pagtaas ng mga alon sa karagatan, ocean acidification, at palagiang pagbaha at tagtuyot, at inaasahang na may iba pang matinding epekto sa darating na siglo. Ang mga karagdagang pagkasira ay nakikita na sa pagnipis ng Ozone. Ang ating mga pagkilos at gawa ay nagdudulot din ng patuloy na pagkaubos ng ating likas yaman, kabilang ang mga mineral, mga pinagkukunan ng pagkain at nagagamit na tubig, na lumilikha ng masahol na polusyon. Ang iba pang pinsala na karagdagan sa mga ito ay malamang na ating matatagpuan sa hinaharap habang tayo ay nagpapatuloy matuto patungkol sa mga epekto ng mga Gawain ng tao sa ating mundo.
Ano an gating magagawa?
Dahil ang Mundo ay may kakayanan na Hilumin ang kanyang sarili, dapat tayong huminto sa pagawa ng mga bagay na ikasisira ng mundo, at simulan ang paghilom ng sanlibutan ngayon. Gayunman, ito ay hindi madali sa inaasahan. Ang ating global na sistema ng pagsasamantala ay hindi madaling lansagin.
May mga tiyak na mga aksyon na maaari nating gawin sa ngayon. Ang mahalaga para sa bawat indibidwal , komunidad, at bansa ay ang mag-imbak ng mga bagay para sa ikabubuti ng kabuoan. Hindi maisusulong ang mga teknikal na solusyon kung walang political will, at ang kinakailangang Political Will ay nangangailangan ng paghalili sa ating malalim na pagpapahalaga, sa ating pagpapakahulugan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tao, at kung paano ang sangkatauhan ay magkakaugnay sa mundo. Kinikilala natin ang pagbabagong ito bilang spiritual na pangangailangan.
Ito ay haman sa lahat, at ang aksyon ng bawat isa ay kinakailangan ngunit ito ay di sapat. Kaya kinakailangan natin bumuo ng kultura na tunay na makakapagpanatili. Ito ay hindi nangangahulugan na ating sinusubukan humanap ng paraan upang “mapanatili” ang kasalukuyang level ng paggamit o sinusubukang “panatilihin” ang economic at political na sistema na binigo tayo. Sa halip, tayo ay bumuo ng kultura na tunay na makakapagpanatili sa pagbabago ng sistema ng dominasyon at pagsasamantala na nagbabanta sa ating hinaharap na simbayotikong pakikipagtulungan na sumusuporta sa ating ecosystem. Dapat maging malinaw sa atin ang ating pakay, na kabilang ang pagtataguyod sa pagpapanatili ng local na ekonomiya, pagreporma sa ating food system, pamamahagi ng mapagkukunang yaman sa makataong pamamaraan, at pagtiyak na ang ating populasyon ay mas mababa sa kakayanan ng ating planeta sa pamamagitan ng boluntaryong pagangkop sa pamamaraan ng birth control, at pantay pantay na pagkakaroon ng trabaho at edukasyon para sa kababaihan.
Anu mang political or economic na sistema na naghihikayat sa pagsasamantala sa ating Mundo o ang mga tao man ay nararapat na lansagin o dili kaya ay puspusang baguhin. Kabilang dito ang sistema sa walang hangang paglago. Tayo dapat ay kumikilos sa closed loop system, at hindi sa linear. Ito ay nangangahulugan na tayo ay kumikilos palayo sa mga patapon na kultura at pagunlad, at kumikilos tayo patungo sa nababagong kultura at pagunlad kung saan ang lahat ng mga produkto ay mapapakinabangan ng pangmatagalan, maaring maayos at medaling ma irecycle at maging compost kung hindi na ito magagamit. Ang ekonomiyang nakakapagpanatili sa hinaharap ay magiging isa sa pinakamaikling distansya sa pagitan ng produksyon, pagkonsumo at recycling ng mga by products.
Bukod pa dito, may mas malalim pang pagbabago na kinakailangan. Sa kauna-unahan, tayo ay naniniwala na ang pagbabago sa espiritu ay kinakailangan, na ang isa ay magdulot ng bagong pakikipagugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at iba pang nilalang at ng sansinukuban bilang kabuuan. Naniniwala tayo bilang mga Pagano, na tayo ay nasa lubos na posisyon na makakatulong sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasalarawan sa bawat kaisipan ng mga tao upang makalikha ng pamumuhay sa hinaharap na may higit na pakikipagkaisa sa lahat ng nilalang sa buong sansinukuban. Sinisikap nating maiigi sa ating pagsamba, sa trabaho, sa paglalaro, at sa pang araw araw na pamumuhay na makaugnay tayo sa dakilang pagkakaisa. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng pagkilala natin na tayo ay kaugnay at bahagi ng ating mundo ay sya ring nagbigay sa atin ng namumukod tanging pagkakakilanlan. Bilang Pagano tayo ay nakakatulong sa pagsasaayos n gating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano tayo ay bahagi ng buhay sa mundo, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga ritual at seremonya na nagdudulot ng pagiging isa sa pagitan n gating mga sarili at sa kabuuan ng sapot ng buhay, at sa pagbibigay diin sa bawat kaisipan ng ating pananagutan sa kung paano tayo makikipagugnayan sa ecosystem- ang lahat ng paglikha ng kulturang ito ay makakapagpanatili sa pamayanang sangkatauhan ngayon at sa mga darating pang henerasyon.
Bilang tagapaglagda, ating pinagpasyahan na gamitin natin an gating kakayanan at kayamanan upang isulong ang patakaran at kagawian na nagdudulot ng pagbabago sa dagliang pangangailang ng ating mundo. Tayo ay magpapatuloy sa pagtuturo sa ating mga kaanib sa ating pamayanan na ituon ang kaisipan para sa makakalikasang pamumuhay, at tulungan ang sanlibutan na kilalanin ang bawat isa, Pagano man o hindi, ay bahagi ng ating pinakamamahal na mundo. Ating pinanghahawakan na mabuhay ng ganap at makabuluhan, na ating ipamamana sa susunod na henerasyon, na ito ay maaring maganap kung ang ating mundo ay nasa mabuting kalusugan.Tayo bilang individual, bilang samahan, bilang kaanib ng pamayanan ng daigdig ay ating pinagsisikapan na itaguyod ang kasalukuyan at panghinaharap na kalusugan n gating mundo, kabilang ang tubig, hangin, lupa at ang kabuuan ng sapot ng buhay.
Earth Day 2015